Pokwang ibinahagi ang litrato ng kanyang anak na si Malia na masayang nakasuot ng pang ballerina na costume

Nito lamang nag-daang Oktubre ay nagbahagi ng isang maikling bidyo ang komedyante na si Pokwang sa kanyang social media account. Kung saan pinapakita rito ang kanyang napakaganda at napaka-cute na anak na si Malia.

Image courtesy: itsPokwang27/Instagram



Sa bidyo na ito makikita natin na si Malia ay nakasuot ng kulay pink na damit na pang ballerina at mapapansin na hindi ito mapakali dahil sa sobrang excited. Makikita din dito na paikot-ikot ito na tila ba pinagmamalaki niya ang kanyang suot at para bang nagbibigay din ng pahiwatig o senyales sa kanyang ina na gusto niya maging isang Ballerina.

Image courtesy: itsPokwang27/Instagram

Sa nasabing post ni Pokwang ay talaga namang nag-iwan ito ng magandang mensahe na makakapagbigay ng ngiti sa mga magbabasa.

Image courtesy: itsPokwang27/Instagram

Sinabi ng aktres na halos lahat naman daw ng mga babae na nakilala niya ay nangangarap na matutong sumayaw ng ballet.

Image courtesy: itsPokwang27/Instagram



At hindi lang iyon, dahil mismong ang komedyanteng si Pokwang ay isa din sa mga babaeng nangarap na maging isang ballet dancer noong siya ay nasa elementarya pa lamang.

Image courtesy: itsPokwang27/Instagram

Ngunit nang ito daw ay sinabi niya sa kanyang magulang ay bigla na lamang ito natawa at nasambit na lamang na isantabi muna ang kagustuhang matutong sumayaw dahil kahit makain ay wala sila.

Image courtesy: itsPokwang27/Instagram

Pabiro din umano ng ina ni pokwang na babali-baliin na lang daw muna niya ang katawan ng anak. Marami sa mga netizens ang natawa sa sinabi ng komedyante at nagbigay ng mga positibong komento at ang iba naman ay naka-relate sa naranasan ng aktres.

Image courtesy: itsPokwang27/Instagram

Saad na lamang ng ilang netizens na si Malia na lang umano ang magpapatuloy sa naudlot na pangarap ng kaniyang ina. Meron ding nag-sabi na ang anak ni Pokwang ay napakagandang bata at bagay na bagay umano ang suot na damit at dahil dito ay nakikita umano ng mga netizens na magiging isang magaling na ballet dancer ito balang araw.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *