Geneva Cruz ibinahagi ang naging karanasan noong siya ay nagparetoke ng ilong

Dahil sa pagiging advance ng ating teknolohiya sa ngayon, marami na ang pwedeng ibigay na tulong at serbisyo sa bawat tao at nakakasanayan na nating gamitin ng paulit-ulit dahil narin sa nakikita naman nating nagiging maganda ang naibibigay na resulta.



Katulad na lamang sa panahon ngayon na hindi rin natin maipagkakaila na marami na sa ating mga kababayan ang nagpaparetoke ng mga parte o bahagi ng kanilang mga katawan. May kaniya-kaniyang pananaw ang bawat tao pagdating sa usaping ito.

Pero sa karamihan, para sa kanila ay nakakatulong itong madagdagan o mahubog ang kanilang self-confidence sa kanilang pagharap sa maraming tao.

Naalala mo pa ba ang singer na bumihag sa ating mga puso noong dekada 90? Walang iba kundi ang nag- iisang napakagandang singer na si Geneva Cruz na kung saan sa batang edad ay nag desisyon umano ito na iparetoke ang kanyang ilong.

Ibinahagi niya sa social media ang kanyang naging karanasan noong siya ay 16 anyos pa lamang ng ipinagawa niya ang isa sa mga parte ng kaniyang katawan at ito ay ang kanyang ilong.

Nag post ito ng kanyang mga litrato simula nang bata siya hanggang sa kasalukuyan at may kasamang maiksing kwento tungkol sa kanyang karanasan.



Saad ng aktres/singer na noong bata siya ay pinaniwalaan niya lahat ng bagay na sinasabi ng kanyang magulang tungkol sa kanya na siya ay isang magandang dalaga na mayroong morenang kutis, mahabang biyas, magandang mga mata at meron medyong malapad na ilong.

Sobrang taas ng kanyang confidence sa sarili dahil iniisip din niya na wala namang mali sa kung ano ang meron siya at hindi din naman umano nawawalan ang aktres/singer ng mga manliligaw.

Ngunit dumating ang panahon na siya ay sinabihan na malaki umano ang kanyang ilong sa mga palabas na kanyang ginagampanan. Kung kaya ito ang naging mitsa o daan ng kaniyang naging desisyon na may baguhing isang parte sa kaniyang katawan.

Dahil sa kaniyang naging desisyon ay marami ang pumuna at nagbigay ng kumento tungkol sa pagbabagong nangyari sa kaniyang ilong, ngunit hindi nagpatalo ang aktres subalit ginamit niya ito upang mas maging malakas na tao at ito din ang nagbigay sa kanya ng dahilan na mas mahalin ang kahit anong parte ng kaniyang katawan.

Sa huli ay nagbahagi umano ang aktres ng payo sa mga kapwa Pilipino na kung ano man ang itsura mo o kung ano man ang pisikal na katangian na meron ka ay dapat mo itong pahalagahan, ingatan at alagaan at kahit ano pa man ang sabihin ng maraming tao ay huwag magpapaapekto.

At kung sakaling dumating ang panahon na may ipapabago ka sa sarili mo, go for it, dahil ikaw lang din ang may kakayahan na mag desisyon para sa sarili mo.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *