Pinayuhan ng Doctor si Idol Raffy Tulfo na magpahinga muna sa kaniyang trabaho

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa isa sa mga kilalang broadcast journalist na si Raffy Tulfo na alam naman nating laging handang tumulong sa kapwa Pilipino sa kanilang mga hinaing at problema.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Instagram



Kahit saan ka pang lupalop ng bansa pumunta ay wala na atang hindi nakakakilala sa matapang at may paninindigang journalist na ito. Tingnan na lang natin ang mga netizens na naka subscribe at nakaantabay sa kanyang social media platform na umaabot na sa 17 million.

Kahit ikaw na nagbabasa nito ay siguradong isa ka sa mga nag-aabang sa kanyang programa at isa din niyang tagahanga.

Ngunit sa kabila ng mga kasiyahan at kasikatang tinatamasa niya sa kaniyang katagumpayan at kasikatan ay hindi maitatagong may nararamdamang sakit na pala ang sikat at matulunging si Raffy Tulfo.

Kaya naman ay pinayuhan na ito ng kaniyang doctor na magpahinga muna sa kanyang trabaho or tumigil na muna ito sa kadahilanang mataas na ang stress na naidudulot nito sa kanyang kalusugan.

Pero dahil sa kaniyang pagmamahal sa kanyang trabaho ay mas pinili ni Raffy na ipagpatuloy ang kanyang ginagawa na pagsilbihan at tulungan ang kaniyang mga kababayang nangangailangan ng kanyang tulong at sa kadahilanan na ring mahal niya ang kanyang ginagawa.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Instagram



Naniniwala din ang ating idol na ang kaniyang ginagawa ay isang paraan upang mapababa ang stress sa kanyang katawan at isipan kahit alam naman nating mahirap at nakakapagod ang kanyang trabaho.

Ani pa ni idol Raffy na maliban sa kaniyang mga tagahanga at taga subaybay ay hindi rin maikakaila na hindi mawawala ang mga taong hindi sumasang-ayon sa kanya o mga bashers, pero kahit ganoon pa man daw ay kaya niya ito i-handle dahil ito ay parte pa din ng kaniyang trabaho.

Naikuwento din ni Raffy Tulfo na isa sa mga doctor niya sa puso ang minsang pinanood ang kanyang programa ay sinabihan siya na isa ito sa mga factor na pwedeng makasama sa puso ng ating idol dahil sa dami ng stress ang naidudulot nito sa kaniya.

Pero para naman sa ating idol ito lamang ang isa sa mga bagay na gusto niyang gawin at nakakapagpasaya sa kanya.

Saad na lang din ng ating iniidolo na kasiyahan niya ang tumulong sa kapwa niya Pilipino at para na rin makapamahagi din ng kanyang mga pagpapala na natatanggap at mas gusto niyang tumulong sa kapwa niya kaysa siya mismo ang tulungan nila.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *