Ipinagluto si Super Tekla ng kanyang kapatid na lalake ng napakasarap na mga pagkain

Likas na sa ating mga Pilipino ang kaugaliang makita at makasama ang buong pamilya. Subalit, gustuhin man natin ay minsan hindi natin nagagawa sa maraming kadahilanan. Una, ang ating trabaho at pangalawa, kapag nagkaroon na tayo ng sariling pamilya.

Image courtesy: Super Tekla/Youtube



Gayunpaman ay gumagawa pa rin tayo ng paraan para makasama natin sila nang sa gayon ay kahit kaunting oras ay mailaan at maipakita natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal kahit sa pagpapakita ng mga simpleng bagay sa kanila.

Image courtesy: Super Tekla/Youtube

Tulad na lang ng isang sikat at kilalang komedyante na si Super Tekla na kamakailan lamang ay pinuntahan at binisita ng kanyang kapatid upang kamustahin at ipagluto siya nito.

Image courtesy: Super Tekla/Youtube

Kung ating matatandaan kamakailan lang din naman ay madaming pinagdaanang pagsubok ang komedyante na talaga namang tinutukan at sinubaybayan ng maraming mga tao.

Image courtesy: Super Tekla/Youtube



Ngunit kahit ganoon pa man ay marami sa mga ito ang nagpahayag at nagpapakita ng kanilang suporta na nagsasabi na malalagpasan nito ang kahit anong pagsubok na dumaan sa buhay ng komedyante.

Image courtesy: Super Tekla/Youtube

Sa huli makikita na tila baga isang panibagong mukha ni Super Tekla ang ating nasubaybayan sa bawat programa na kanyang kinabibilangan.

Image courtesy: Super Tekla/Youtube

Nito lamang mga nagdaang mga araw ay makikita natin sa Vlog ng kapatid ni Super Tekla na si Alex Librada na malaki ang pinagbago ng takbo ng kanyang buhay na tila baga masaya na siya ngayon at kontento.

Image courtesy: Super Tekla/Youtube

Marami sa mga tagahanga ng komedyante ang masayang makita ang magandang progreso ng buhay ni Super Tekla. Sa Vlog na ito ni Alex ay makikitang dinalhan ng masasarap na pagkain ang kanyang kapatid at ipinagluto pa nito si Super Tekla.

Image courtesy: Super Tekla/Youtube

Habang nagluluto ang magkapatid ay makikitang masaya silang dalawa na nakuha pa nitong magbiruan at taas noong ipinagmalaki at tinawag ni Super Tekla ang kanyang kapatid na si Alex na “Chef Guard”.

Sino ba naman ang hindi matutuwa na bisitahin ka ng isa sa mga kapatid mo at ipagluto ka ng kalderetang alimango, garlic Shrimp at inihaw na pusit. Natuwa at talaga namang na appreciate ni Tekla ang magandang ginawa ng kanyang kapatid para sa kanya.

Image courtesy: Super Tekla/Youtube

Ipinagmalaki din ni Super Tekla sa mga nanunuod ang magandang ugali ng kanyang kapatid at pagiging isang responsableng ama sa kanyang pamilya na talaga namang ikinatuwa ng mga netizens.

Sa pangalawang parte ng Vlog ay makikitang kumakain ang magkapatid at nagkuwekuwentuhan tungkol sa buhay buhay, sa kanilang pinagdaanan noong sila ay bata pa.

Ibinahagi din ni Super Tekla na hindi umano siya iniwan ng kanyang kapatid noong sa oras ng kanyang pangangailangan. Pinapakita lamang dito na wala na talagang mas sasarap pa sa tunay na pagmamahal ng isang kadugo.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *