Jessa Zaragosa, feeling blessed at naging emosyonal sa kanilang Thanksgiving day celebration sa US

Masaya ang singer/actress na si Jessa Zaragosa sapagkat nakapagdiwang siya ng Thanksgiving day sa US habang kasama ang kaniyang pamilya.

Sa maliit na salo-salo na kanilang inihanda para sa kaniyang pamilya, thankful ito dahil naramdaman niya na blessed pa rin ito kahit na napakaraming problema ang dumating ngayong taon.

Image courtesy: Instagram/jessazaragosa



Kaya naman bilang pasasalamat sa lahat ng kaniyang natanggap na biyaya ngayong taon, ibinahagi niya ang isang inspiring message sa kaniyang Instagram Account noong nakaraang Thanksgiving Day.

Image courtesy: Instagram/jessazaragosa

“So blessed to have spent Thanksgiving in the US this year. I can say that it was the most meaningful one I’ve ever experienced since living in the US. The happiest indeed! I even got emotional sharing the things that i’m thankful for. It truly is humbling and fills my heart with so much gratitude, to have this bunch of loving people in our lives.”

Image courtesy: Instagram/jessazaragosa

Matapos kasi ang ilang buwan na pamamalagi sa Pilipinas ay nagkaroon ito ng pagkakataon na makalipad kasama ang kaniyang pamilya sa US upang doon mag-celebrate ng holidays ngayong taon.

Image courtesy: Instagram/jessazaragosa

Isa sa mga bagay na natutunan ng aktres ngayong taon ay hindi lahat ng kaniyang mga tinatawag na kaibigan ay kaniyang totoong kaibigan lalo na kung tatalikuran ka sa panahon na mas kailangan mo sila.

Image courtesy: Instagram/jessazaragosa
Image courtesy: Instagram/jessazaragosa



Ito raw ay naging isang malaking eye opener sa kaniyang buhay kung saan napagtanto ng aktres na dapat nating piliin lamang kung sino ang mga taong pipiliin ka sa panahon na mas kailangan mo sila dahil sila ang mga taong totoong nagmamahal sayo.

Image courtesy: Instagram/jessazaragosa
Image courtesy: Instagram/jessazaragosa

“I guess we can all agree that this year was different. Especially for me, personally, i’ve realized the many things that really matter in my life. I too have learned that some people decide not to need you in their lives, and turn their backs when you need them most. And that’s just reality. It was just a big eye opener for me, and I’ve now realized that you shouldn’t force yourself onto people who don’t choose you in the first place and sometimes the right thing to do is to just let go and to have an open heart and mind to new beginnings and new friendships.”

Image courtesy: Instagram/jessazaragosa
Image courtesy: Instagram/jessazaragosa

Sa una raw ay nahirapan ang aktres na tanggapin ang katotohanan na ito subalit natutunan na rin niya itong tanggapin at mas maging open na ang kaniyang isip at puso na mayroon talagang mga bagay na hindi natin kontrolado.

Image courtesy: Instagram/jessazaragosa
Image courtesy: Instagram/jessazaragosa

“I love the fact that i got to spend this wonderful holiday with these real people who are good friends and I can say now are closest to our hearts. Thank you for loving us and for the wonderful friendship.”

Image courtesy: Instagram/jessazaragosa
Image courtesy: Instagram/jessazaragosa
Image courtesy: Instagram/jessazaragosa

Kaya naman naging emosyonal ang aktres sa kanilang Thanksgiving celebration dahil naibahagi niya ang mga bagay na kaniyang pinapasalamatan ngayong taon.

Kasama ng kaniyang asawa, anak at mga mahal sa buhay, pinaghandaan nila ang gabing ito kung saan ang aktres na mismo ang nagluto ng kanilang masarap na salo-salo.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *