Sumang-ayon si Winwyn Marquez sa komento ng isang netizen na mas maganda ang kaniyang ina na si Alma Moreno

Dahil sa pisikal na katangiang taglay ng isang tao, hindi maiwasang maikumpara o maihalintulad tayo sa iba, lalong-lalo na pagdating sa ating pamilya.

Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram



Minsan, ito ang nagiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan ng bawat isa na sumasalamin sa pag didiskrimina ng tao sa kapwa niya. Ngunit ganoon pa man, may magandang naidudulot din ito sa ating kapwa, para sa mga taong kayang tanggapin ang ganitong klase ng sitwasyon o senaryo na talaga namang masasabi nating natural o karaniwan na.

Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Ito ay naranasan at nangyari sa sikat at kilalang aktres na Winwyn Marquez na kung saan ay ikinumpara umano ito ng isang netizen sa kanyang mismong ina noong ito ay bata pa.

Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Sa halip na magalit ang aktres ay sumang-ayon ito sa nasabi ng netizens sa kadahilanang mas maganda naman talaga ang kanyang ina noong dalaga pa. Ang nasabing ina ng aktres ay walang iba kundi si Alma Moreno na alam naman natin na talaga namang napakaganda nito noon at magpahanggang sa ngayon.

Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram
Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Nagsimula ang pagkumpara na ito nang magkomento ang nasabing netizen sa isang litrato ni Winwyn sa kanyang social media account. Saad ng netizen na noong napanuod umano niya ang mga lumang pelikula ni Alma Moreno noong dekada 70 ay nareyalisa niya na hindi hamak na mas maganda umano ito sa kanyang anak na si Winwyn.

Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram
Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram



Hindi nagpahuli ang kanyang anak na si Winwyn at nag komento din ito na nagpapakita ng pagsang-ayon sa sinabi ng netizens at pabiro pa niyang sinabi na mala-diyosa ang kagandahan ng kanyang ina.

Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram
Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Marami sa mga netizens na nakabasa sa komento ng aktres ang natuwa sa naging pahayag nito sa kanyang basher. Sino nga ba naman ang magagalit dahil hindi naman sa ibang tao ikaw kinumpara kundi sa sarili mong ina na kung saan ay kadugo mo din. Para na ding pinuri ka dahil sa magandang nasabi patungkol sa iyong magulang.

Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram
Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Hindi lang ito ang kauna-unahang may nambash sa aktres, dahil nito lamang nakaraang mga buwan ay meron ding bumanat sa kanya patungkol naman sa kanyang katawan pero dahil kakaiba si Winwyn ay maganda ang naging pahayag nito na kung saan ikinatuwa din ng mga netizens.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *