Pauleen Luna binati ang kanyang asawang si Vic Sotto sa kanilang ika-9 na anibersaryo ng pag-iisang dibdib

Nasa kultura na ng mga pinoy ang paggunita at pagdiriwang ng mahahalagang araw sa buhay ng isang tao o ng kanilang pamilya at mahal sa buhay.

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram



Maliban sa kaarawan, isa pa sa hindi malilimutan at hindi dapat kalimutan lalong-lalo na sa dalawang taong nag-mamahalan ay ang pagsapit at pagdiriwang ng isa sa pinakamahalagang araw para sa kanilang relasyon, ay ang kanilang anibersaryo.

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Ito ang araw na kung saan ay palataandaan ng dalawang taong lubos na nagmamahalan. At itong araw na ito ay lubos na napakaespesyal para sa kanila, kaya naman kung makikita at mapapansin mo na hindi lang ang lalaki ang nag-aabalang maghanda at magbigay ng mga surpresa.

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Marami sa atin ang talaga namang pinaghahandaan ito ng lubos upang maiparamdam na kahit lumilipas na ang panahon. Ngunit ang pagmamahal sa isa’t isa ay lalong sumasarap at hindi kumukupas ang pag-ibig na ibinibigay at ipinararamdam sa bawat isa.

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram



Tulad na lamang ng kilalang aktres na si Pauleen Luna – Sotto na nagbigay ng napakaganda at nakakakilig na mensahe sa kanyang asawa na si Bossing Vic Sotto sa kanilang anibersaryo.

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Nito lamang nakaraang Nobyembre 7 ay nag-pasya ang aktres na magpost ng pagbati sa kanyang social media para sa kanyang asawa na si Vic Sotto. Marami sa mga netizens ang nakakita ng post na ito at naramdaman ang nakakakilig na moment para sa mag asawa.

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Mababasa sa post ng aktres na hindi umano ito inaakala na 9 na taon na pala silang nagsasama ni Bosing Vic Sotto at sa mga taon na iyon na lumipas o nagdaan ay talaga namang puro saya at pagmamahalan ang ibinigay nila sa isa’t isa. Pakiramdam ng aktres na parang kahapon lamang ng sila ay nagkakilala at nagkausap ni Vic Sotto.

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Dagdag pa ng aktres na siya ay lubos na nagpapasalamat sa labis na pagmamahal na pinaparamdam sa kanya ni Vic Sotto at nagpapasalamat din siya sa Panginoong Diyos na siya ang ibinigay sa kanya bilang maging kabiyak at katuwang sa buhay. Sa huli binati ito ng aktres ng maligayang ika-9 na anibersaryo sa kanilang dalawa.

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Marami sa mga netizens na kanilang mga tagahanga ang nagpabatid din ng kanilang mga pagbati at karamihan din sa kanila ay hindi mapigilan ang kiligin sa napaka-sweet na mesahe ni Pauleen para sa kanyang asawang si Vic Sotto.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *