Masayang nagdiwang ng ika-22 kaarawan si Gabbi Garcia kasama ang kanyang pamilya at kasintahang si Khalil Ramos

Ang kaarawan ang isa sa mga pinakamasaya at mahalagang araw na dumadating sa buhay ng isang tao lalo na kung kasama mo sa pagdiriwang na ito ang buo mong pamilya at ang taong mahal mo.

Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram



Nito lamang nagdaang Disyembre 5 ay nagdiwang ang isa sa mga sikat at napakagandang artista na ating kilala at ito ay walang iba kundi si Gabbi Garcia.

Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Makikita sa larawan na nakapost sa social media account ng aktres na kasama niya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ang buong pamilya nito at ang kanyang nobyong si Khalil Ramos.

Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Madami sa mga netizens ang nakakita nito at kinilig nang nalaman nila na nag-effort talaga ang kanyang nobyo na si Khalil Ramos sa pagpunta at samahan ang kanyang kasintahan sa araw ng kayang kaarawan.

Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Napag-alaman din na mas pinili ng aktres na ganapin ang kanyang kaarawan sa kanilang sariling bahay dahil na din sa nararanasan ng bansa ngayon.

Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram



Mapapansin ang mga nag-gagandahang mga dekorasyon na talaga namang mapapahanga ka sa mga ito. Saad ng aktres na kahit sa loob lamang sila ng kanilang bahay ay sinigurado niya na isa ito sa hindi malilimutang araw sa paggunita ng kanyang kaarawan.

Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Lubos ding pinasalamatan ng aktres ang mga tao na naging bahagi ng kanyang espesyal na araw tulad ng kanyang mga malalapit na kaibigan na tumulong din upang maging matagumpay ang nasabing okasyon.

Marami din sa mga netizens ang nagpabatid sa kanya ng maligayang kaarawan, at may nagsaad na wala na umanong mas sasaya pa sa araw na pagdiriwang ng iyong kaarawan kung kasama mo ang iyong mahal sa buhay at buong pamilya.

Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Nakilala si Gabbi Garcia nang gampanan niya ang role ni Sangre Alena sa isang sikat na serye sa Kapuso network na pinamagatang Encantadia noong 2016.

Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Si Gabbi Garcia ay isa sa mga Social Media Sensation dahil sa kaniyang angkin na kagandahan na napakaraming netizens ang humahanga. Mayroon siyang napakagandang mukha at matamis na ngiti na talaga namang nakakarelax kung iyong pagmamasdan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *