Ivana at Mimiyuuuh magkasamang namasyal sa Tagaytay sakay ng isang Helicopter

Sa panahon ngayon marami na ang mga kilalang Vlogger na inaabangan ng bawat Pilipino. Minsan sa kasikatan nila ay hinihiling natin na sana magkasama ang ating mga paboritong personalidad sa iisang Vlog dahil alam natin na ito ay magiging isang kaabang-abang na episode.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram/Youtube



Marami din sa kanila ang binibigay ang kahilingan ng kanilang mga tagahanga. Isa na dito ang dalawang naglalakihang Vlogger sa Pilipinas at ito ay walang iba kundi sina Mimiyuuuh at Ivana Alawi. Marami sa mga netizens ang nagulat, natuwa at na-excite sa vlog na inupload ni Ivana sa kanyang youtube account dahil kasama nito si Mimiyuuuh.

Wala naman siguro ang hindi nakakakilala sa maganda at tinaguriang greatest prankster ng mga netizens na si Ivana Alawi at ang kanyang kasama na si Mimiyuuuh na alam naman natin na isang magaling at nakakatawang vlogger.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram/Youtube

Mapapanuod sa video na ang dalawang Vlogger ay magkasamang namasyal sa Tagaytay sakay ng isang Private helicopter. Silang dalawa ay pumunta dito upang matikman ang iba’t-ibang pagkain na hindi pa nila natitikman kasabay ng mga kulitan at isang magandang usapan tungkol sa kanilang buhay- buhay.

Marami sa mga netizens ang natuwa sa mga kaganapang nangyari at nalaman nila na ang vlogger na si Mimiyuuuh ay natakot nang sumakay ito helicopter dahil ito ay ang kauna-unahan niyang karanasan sa paglipad sakay ng helicopter.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram/Youtube



Pagkatapos ng mahabang oras nila ni Ivana sa himpapawid ay nagtungo sila sa isang kilalang restaurant sa Tagaytay at tinatawag itong Antonio’s Fine Dining Restaurant.

Goal ng dalawa ang maging sosyal sa isang araw kung kaya mapapansin din natin na parang hindi angkop ang mga suot nilang damit sa klima nang lugar na kanilang pupuntahan. Mapapansin din natin na habang nag-oorder ang dalawa ng pagkain ay tila nahihirapan ito sa pagbigkas sa pangalan ng kanilang balak kainin.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram/Youtube

Gayunpaman ay hindi ito inatrasan ng dalawang Vlogger dahil alam at kilala naman natin na ang mga ito ay palaban sa bawat challenges na kanilang ginagawa.

Para sa ating kaalaman, ito ang kauna- unahang collaboration sa isang Vlog nina Ivana at Mimiyuuuh kung kaya madami sa mga netizens ang masaya ng makita silang magkasama.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *