Carol Banawa, hindi na maitago ang excitement na makita ang kaniyang pangatlong anak na isang baby girl

Bilang isang ina, ay hindi nating maiwasan na maging excited sa pagdating ng munting anghel sa ating buhay at sa ating pamilya. Alam naman ng lahat na hindi madali ang pagbubuntis, ngunit bilang isang ina ay gagawin ang lahat para sa kaniyang anak.

Image courtesy: Carol Banawa/Instagram



Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa sikat na mang-aawit na si Carol Banawa? Siya lang namang ang kumanta ng mga awiting ating kinagiliwan at naging theme song sa mga kilalang pelikula na ating kinagisnan.

Ilan sa mga sikat niyang kanta ay ang mga sumusunod: “Tanging Yaman”, “Bakit Di Totohanin” at “Iingatan Ka”. Ito ang mga nagsilbing daan para sa singer upang tahakin at maging matagumpay sa mundo ng musika.

Si Ryan Crisostomo ang naging kabiyak ni Carol na sa ngayon ay nasa ibang bansa na sila naninirahan kasama ang kanilang anak na sina Chelsea at River.

Image courtesy: Carol Banawa/Instagram



Para kay Carol at sa kaniyang pamilya, ang taon na ito ay malaking biyaya para sa kanila dahil sa natanggap nilang maagang regalo at ito ay ang pagdating ng ikatlo nilang munting anghel. Noong September 12, ay ibinahagi ni Carol ang larawan ng kaniyang sonogram na ipinapaalam at ipinapakita na siya ay buntis.

Hindi lang ang pamilya nina Carol ang excited, dahil pati narin ang kaniyang mga tagahanga ay naeexcite narin at nag-aabang sa kanilang magiging gender reveal para sa kanilang ikatlong anak.
Kaya naman, makalipas ang ilang buwan para sa pinakahihintay na gender reveal ay ibinahagi ni Carol sa pamamagitan ng panibagong post nito sa Instagram.

Makikita sa nasabing larawan kasama ang sonogram nito at ang pag anunsyo na “It’s a Girl” ang kasarian ng kanilang ikatlong baby.

Image courtesy: Carol Banawa/Instagram

Kaya naman, labis ang kasiyahan ni Carol at ng kaniyang pamilya para sa pagdating sa kanilang buhay ng munting anghel na babae.

Maraming mga tagahanga niya at mahal sa buhay ang nagpakita ng kagalakan, suporta at excitement sa pagdating ng kaniyang anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *