Ito ang simple and sincere na engagement marriage proposal ni Philmar Alipayo kay Andi Eigenmann

Wala ng hihilingin pa ang aktres na si Andi Eigenmann sa kaniyang buhay ngayon sapagkat sapat na sapat na ang kaniyang kasiyahan na nararamdaman kasama ang kaniyang nabuong pamilya sa partner na si Philmar Alipayo.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl



Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Sa katunayan, ilang linggo na lamang at isisilang na ng aktres ang kanilang bunsong anak kaya naman inihahanda na niya ang kaniyang sarili sa araw na ito sa pamamagitan ng pag-relax at pag bonding kasama ang kaniyang mga anak sa isang isla sa Anilao, Batangas.

Sa kanilang bakasyon sa Batangas ay tila hindi inakala ng aktres na may engagement surprise palang inihanda ang kaniyang partner na si Philmar para sakaniya. Sa ikatlong araw ng kanilang bakasyon ginanap ang surpresa ni Philmar sa aktres.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Simple lamang ang proposal ni Philmar kay Andi kung saan inantay nitong makausap ang aktres sa balcony ng kanilang hotel room upang doon ibigay ang kaniyang engagement ring.

Image courtesy: Youtube/HappyIslanders

Una raw ay kinausap ni Philmar si Andi tungkol sa mga magagandang bagay na nangyari sa kanilang buhay mula ng sila ay tumira sa Siargao at maisilang ang kanilang anak na si Lilo. Halos maiyak ang aktres sapagkat hindi raw ito sanay na pagusapan nila ang mga ganitong bagay.

Image courtesy: Instagram/chepoxz



Pagkatapaos ay hindi inaasahan ng aktres na luluhod na lamang bigla si Philmar kasabay ng paglabas ng kaniyang singsing. Sa sobrang saya ay tila nakalimutan ng dalawa kung sa kanan o kaliwang kamay inilalagay ang singsing kaya naman nagtawanan na lamang ang mga ito sabay yakap sa isa’t isa.

Image courtesy: Youtube/HappyIslanders

“I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple, and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!”

Image courtesy: Instagram/chepoxz

Ayon kay Andi, hindi raw nito inaasahan na magkakaroon pa siya ng engagement proposal sapagkat ang alam raw nito ay hindi na siya makakaranas ng ganitong bagay. Kaya naman sobrang saya nito na ipinaranas ni Philmar kay Andi ang ganitong pinakaimportanteng momento sa isang babae.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

“She said YES! I love you so much. So happy to spend the rest of my life with you. Promise to take care of you, Ellie, Lilo and our coming baby number 3 and to make you laugh more and more everyday. Together hinay hinajan nato maabot an ato mga pangandoy sa ato kinabuhe para sa ato pamilya. Mahal ko kamo karajaw gikan sa tibook nako kasing kasing”, caption ni Philmar sa kaniyang Instagram account.

Isa ito sa pinakasimpleng engagement proposal subalit mararamdaman mo na sincere at tunay ang pagmamahal ni Philmar sa aktres kaya naman nakakakilig itong panoorin. Nawa’y maging healthy ang relasyon ng dalawa!

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Congrats Andi and Philmar!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *