Sharon Cuneta, pinagsilbihan at naging serbidora ng kaniyang mga Yaya sa araw ng Pasko bilang surpresa sa mga ito

Hindi man nakauwi ang mga kasambahay nina Sharon Cuneta sa kani-kanilang probinsiya ay sinigurado pa rin ng beterang singer na maramdaman nila ang pasko ngayong taon sa pamamagitan ng paghahanda ng isang surpresa para sa mga ito.

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta



Bukod sa pagbibigay ng Christmas bonus sa kanilang mga helpers ay naisipan ni Megastar Sharon Cuneta na bigyan sila ng munting salo-salo kung saan ang kaniyang mga anak ang magsisilbi at maghahanda ng kanilang mga pagkain upang maranasan naman nilang mag-relax at mag bonding kasama ang kanilang kapwa kasambahay.

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Ang Megastar mismo ang naging serbedora kung saan isa isa niya itong pinagsisilbihan ng pagkain at sinisigurado na busog ang mga ito sa kanilang maliit na salu-salo. Kasama ng kaniyang anak na si Frankie, inihanda nila ang pa-dinner na ito sa kanilang mga Yaya bilang pasasalamat sa pagiging maalaga sa kanilang pamilya.

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta
Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

“Our loves— our household staff who take care of us, cook our food, whom we trust with our lives and things and homes, who serve us with love… Thank you sa inyong lahat! We love you our AngelYayas!” caption ng aktres sa kaniyang Instagram post”

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta
Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Ayon kay Sharon, ito raw ang pagkakataon na mapagsilbihan nila ang kanilang mga Yaya na araw araw silang inaalagaan. Kaya naman sa araw ng pasko ay hinayaan niya ang mga ito na umupo lamang at enjoyin ang Christmas dinner na kanilang inihanda habang pinagsisilbihan sila ng aktres kasama ng kaniyang asawa na si Kiko at ang kaniyang mga anak.

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta



Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Sa katunayan, bukod dito ay inabutan rin ng aktres ng Christmas Bonus ang kanilang mga househelpers bilang tulong na rin para sa kanilang walang sawang suporta. Ang ilang pagkain na kanilang inihanda para sa kanilang mga Yaya ay Prawns, Crabs, Pasta at Salad.

Tila enjoy na enjoy ang mga ito sa kanilang masarap na salu-salo at panay ang pasasalamat sa aktres. Maging ang Yaya ni KC Concepcion ay naroroon upang maki-celebrate ng kanilang munting Noche Buena.

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

“Our turn to serve our Angel Yayas! With our guest, KC’s Yaya Claudine.”

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta
Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Kwento pa ng aktres, sa una raw ay tila nahihiya siya at nagdadalawang isip na i-post ang kaniyang mga videos na pinagsisilbihan ang kaniyang mga Yayas subalit nais raw talaga niya ipakita sa kaniyang mga followers na mahal na mahal niya ang kaniyang mga Angels.

Kaya naman ibinahagi niya ito hindi para ipagmayabang kung hindi para ipakita kung gaano ka-importante ang kanilang mga Yayas sa kanilang buhay.

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta
Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

“Serving our beloved Yayas…Nagpaalam muna ako sa Yayas namin kung puede ko i-post ito kasi nahihiya ako pero gusto ko ipakita mahal namin sila! Eh yun nga daw ang hinihintay nila ang i-post ko.”

Talaga namang napakasuwerte ng mga ito sapagkat hindi mo aakalain na ang Megastar mismo ang nagsilbi at naghanda ng Noche Buena na ito. Nakakatouch na sa simpleng salo-salo na surpresa ng pamilya ay napasaya nila ang kanilang mga Yaya maging ang kanilang mga tagapanood. 

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Napakasarap isipin na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa ating kapwa sa pamamagitan ng mga maliliit na bagay! Godbless you and your family Megastar Sharon Cuneta!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *