Nagbakasyon ang Pamilya Dantes sa beach kung saan lubos na inenjoy ng mga batang sina Zia at Ziggy

Isa-isa na ngayon naglalabasan ang mga kaganapan sa buhay ng mga Pinoy sa papalapit na bagong taon. Minsan sa isang taon lamang tayo nagkakaroon ng isang bakasyon na napakahaba kung kaya marami sa atin sinusulit ang mga pagkakataon na ito.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



Lalong mas maganda din ang isang bakasyon kung kasama mo din ang mga mahal mo sa buhay at kaibigan. Isa na dito ang pamilya ni Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes na nagawang pumunta sa beach upang sulitin ang bakasyon at nalalabing panahon bago matapos ang taong 2020.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Alam naman natin na madami ang mga pagsubok na kinaharap ang mga Pilipino ngayon pati na din ang mga kilalang tao kung kaya hindi naman siguro masama na mag-gugol ng oras kasama ang pamilya sa ibang lugar as long na tayo ay sumusunod sa mga health protocol.

Makikita ang isang litrato na inupload ng mag-asawang Dingdong at Marianang kanilang napakasayang bonding sa isang beach resort. Makikita ang hindi mapantayang mga ngiti sa mga labi ng pamilya na magbibigay sa kahit sino mang tao makakita ng kilig.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



Meron din isa pang litrato na makikita mismo ang kanilang bunsong anak na si Ziggy na sobra ang pag enjoy nito habang naglalaro sa dagat. Saad na lamang ng kanyang ama na si Dingdong na hindi niya aakalain na gustong-gusto pala ng kanyang anak na bunso na maglaro sa tubig dagat tulad lang din ng kanyang ate.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Pabiro din niya na nasabi na gusto din naman ng kanilang ina na si Marian ang paglaro sa tubig dagat ngunit noong siya ay gumaganap pa lamang na sirena sa isang serye. Marami sa mga netizens ang natawa sa sinabi na ito ni Dingdong sa kanyang post.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Maliban dito ay meron pang isang litrato si Ziggy na ibinahagi si Dingdong na makikitang nakasakay sa isang salbabidang hugis butanding at tila ba may hinahanap.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram
Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Saad naman ni Dingdong na kapag ganito umano ang ginagawang mukha ng kanyang anak ay tila baga natutuwa si Marian dahil sa sobrang cute nito. Marami din sa mga netizens ang sumang-ayon sa sinabi ng aktor na matutunaw ka na lamang sa kakyutan ni Ziggy.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *