Meryll Soriano, ipinakita ang kaniyang new baby at kumpirmado na nagkabalikan na sila ng kaniyang Ex na si Joem Bascon

Isa si Meryll Soriano sa mga aktres na pinipiling maging pribadong ang buhay sa social media sa pamamagitan ng pagbahagi lamang ng mga bagay na nais niyang ipakita sa publiko at kalimitahan ay puro travel photos lamang ang ipinapakita nito. Kaya naman ikinagulat ng karamihan nang ibahagi ng aktres ang ilang larawan kasama ang actor na si Joem Bascon sa bisperas ng bagong taon.

Image courtesy: Instagram/planetumeboshi



Image courtesy: Instagram/planetumeboshi

Taong 2008 ng alos ilang taon na rin ang nakalipas mula ng maghiwalay si Meryll at Joem kaya naman ikinagulat ng netizens na tila nagkamabutihang muli ang dalawa.

Image courtesy: Instagram/planetumeboshi
Image courtesy: Instagram/planetumeboshi

Sa katunayan, sa Instagram post ni Meryll Soriano ay kumpirmado nga na sila ay tuluyan ng nagkabalikan sapagkat ibinihagi ng aktres kamakailan lamang ang ilang litrato kasama ang kaniyang tinatawag na pamilya kung saan kasama si Joem at ang kaniyang anak na si Elijah habang buhat buhat ng aktres ang isang newborn baby.

Image courtesy: Instagram/planetumeboshi

“2021!
May this year be kinder to us all.
May we all find peace, joy and love.

New year, new hopes and new positive outcomes.
Happy New Year from our family to yours!”

Image courtesy: Instagram/planetumeboshi



Hindi kinumpirma ng aktres na ito ay kaniyang anak sa aktor na si Joem subalit mapapansin sa mga litrato na hinahalikan ng aktor ang baby na hawak ng aktres. Wala rin itong ibinahaging araw kung kailan niya ipinanganak ang baby na ito subalit sa kaniyang Instagram caption ay nakasaad ang pagbati ng Bagong taon mula raw sa kaniyang munting pamilya.

Image courtesy: Instagram/planetumeboshi
Image courtesy: Instagram/planetumeboshi

Maging sa ilang litrato na ibinabahagi ni Meryll, mapapansin na ang lalaking kasama nito sa iilang travel photos ng aktres ay tila kasing-tindig ng aktor na si Joem subalit madalas nakatakip ang mukha nito. Ngayon lamang sa unang pagkakataon na ibinahagi ni Meryll Soriano na sila ay nagkabalikan na.

Image courtesy: Instagram/planetumeboshi
Image courtesy: Instagram/planetumeboshi
Image courtesy: Instagram/planetumeboshi

Buwan ng Enero 2020 ng unang mabalitaan na tila nagka-ayos na muli ang dalawa matapos tuldukan ni Joem ang long term 8-year relationship nito sa kaniyang vlogger girlfriend na si Crisha Uy.

Image courtesy: Instagram/chrishauy

Taong 2008 ng nagkaroon ng relasyon ang aktres na si Meryll at si Joem subalit nagkahiwalay pa rin ang mga ito pagkatapos ng isang taon. Naging magka-trabaho lamang silang muli sa isang palabas na ‘Culion’ sa Metro Manila Film Festival at sa palabas na ‘Starla’ kung saan doon nabuong muli ang kanilang samahan at pag-iibigan.

Mahirap man ang pinagdaanang breakup ng ex-girlfriend ni Joem na si Crisha sapagkat nagpa-plano na sila noon ng kanilang kasalan, ay paunti unti naman itong nagmo-move on at masaya para sa aktor kung mayroon na raw itong bagong iibigin.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *