Natupad na rin sa wakas ni Andrea Brillantes ang pinapangarap niyang bahay sa loob ng sampung taon

Sa buhay ng tao hindi mawawala ang mga katagang “Libre lang ang mangarap”. Walang pangarap ang hindi nagkakatotoo, pero dapat kapag nangarap ka dapat samahan mo ng sipag, determinasyon at tiyaga para kung ano ang pinapangarap at ninanais mo sa buhay ay iyong makakamit at mapanghahawakan.

Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram



Katulad na lamang ng kilala at sikat na artista at endorser na si Andrea Brillantes na kung saan ay naramdaman niya ang maging proud sa kaniyang sarili, dahil sa tagal niyang paghihintay at paghihirap sa trabaho ay nakuha at nakita niya ang kaniyang pinapangarap.

Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram
Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram

Ang mga pinapangarap natin sa buhay ay hindi agad-agad natin nakukuha dahil may plano pa ang Diyos. Dahil ang pinapangarap nating napakasimple lang ay ibibigay niya sa atin ng sobra-sobra sa tamang panahon.

Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram
Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram



Matagal din pinagtrabahuan ni Andrea Brillantes ang pinapangarap niya na magkaroon at makapagpatayo ng sariling bahay, at sa loob nga ng 10 taon ay kaniya din itong natapos at nasilayan.

Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram

Ibinahagi niya sa madla ang larawan ng kaniyang bagong bahay mula sa kaniyang kita sa pagiging artista at isang endorser na ipinost niya sa kaniyang Instagram Account. Kasabay ng larawan ay may mga katagang “Ikaw ang aking pinakamatagal at pinakamahirap na pinapangarap.”

Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram

Bata palang si Andrea ay pangarap niya nang magkaroon ng sariling bahay, ito din ang nagbibigay sa kaniya ng lakas at inspirasyon upang pagbutihin pa ang kaniyang pagtatrabaho. At ngayong taon ay nangyari ang kaniyang inaasam na pangarap.

Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram

Dahil dito ay pinasalamatan ni Andrea ang lahat ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta, at sinabi niya na kung hindi dahil sa kanila ay hindi siya magkakaroon ng kung ano ang meron siya ngayon.


Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram

Pinasalamatan din niya ang Kapamilya Network, mga brands na kaniyang endorser sa pagkakaroon ng tiwala sa kaniya.


Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram


Image courtesy: Andrea Brillantes/Instagram

Ngayong taon ay asahan ng mga tagahanga ni Brillantes na makita ang higit pa sa kaniyang talento na mapapanood at susubaybayan ang kaniyang karakter sa darating na inspirasyonal series, “May Bukas Pa”.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *